Mas lalong hindi natuwa si Vincent sa nakita niyang paghanga ng babae kay Darryl.
Nagmadali siyang ibahin ang usapan. “Tama na. Huwag na nating pag-usapan.”
Tumingin si Vincent sa kaniyang paligid nang magsalita siya. Pagtapos ay siniguro niyang walang makakarinig sa kanila, napangiti at misteryoso siyang nagsalita. “Mayroon akong magandang balita, Sister Gigi.”
“Anong magandang balita iyan?” Nabuhayan si Gigi sa sinabi nito.
Huminga ng malalim si Vincent, naglakad siya palapit para titigan ang mga mat ani Gigi. “Sinabi ko sa aking master ang tungkol sa atin bago ako nagtungo sa North Sea Galaxy. Binigay niya ang kaniyang basbas sa atin sa pagpunta ko sa Pure Yang Division sa paglipas ng kalahating buwan para hingin ang iyong kamay sa iyong master para magpakasal.”
Napuno ng emosyon ni Vincent.
Kinonsidera niyang childhood sweethearts sila ni Gigi at maraming gabi niyang pinangarap na pakasalan ang babae. Halos hindi niya mapigilan ang tuwa nang sumang-ayon ang kaniyang master na