Naantig naman dito ang puso ni Darryl, buong pagmamahal siyang sumagot ng, “Nasa bahay pa rin ako ngayon ng ninong ko. Naging maganda naman ang trato nila sa akin dito kaya huwag ka nang magalala.”
Nakahinga nang maluwag dito si Lily bago umaasang nagtanong ng, “Kailan ka ba babalik dito, Hubby? Na…namimiss na kita.” Namumula nitong sinabi. Hindi pa niya nagagawang magsabi ng mga ganitong klase ng bagay kay Darryl.
“Sige, uuwi na ako bukas ng umaga,” Walang pagaalinlangang sangayon ni Darryl.