Si Felix Blakely?
Nang marinig ang pangalang ito, agad na nakaramdam ng takot ang tatlong staff na nakatayo sa harapan ni Felix at nagawa pang manginig ng isa sa mga ito sa sobrang takot.
Kilala ng buong Donghai City si Felix. Mayroon itong mga kuneksyon sa mabuti at masamang parte ng kanilang city!
Bakit siya naririto? Ano ang kinalaman niya sa Platinum Corporation?
“Ok lang naman kung ayaw ninyong magsalita. Pero hayaan ninyo akong maging direkta sa inyo. Sa sandaling mapatunayan ng gag