Whip!
Mas naging masakit ang paglatigong ito ni Jean kaysa sa kaniyang ginawa kanina. Naramdaman ni Jean na hindi pa ito sapat kaya bigla siyang nagwala sa kaniyang kinatatayuan.
Whip! Whip! Whip!
Maririnig ang tunog nito sa buong bakuran ng mansyong pagmamayari ng mga Darby.
Hindi na ito matiis pa ni Dax. “Hayop kayong lahat!” Sigaw nito. “Magiingat kayo dahil sisiguruhin ko na mamamatay kayong lahat sa sandaling makalabas ako rito!”
“Ang lakas ng loob mong sumagot huh?” Simangot ni Jean