Dito na pinunasan ni Ronny ang pawis sa kaniyang noo habang nagmamadaling nagmamakaawa kay Coleman. “Huwag niyo pong gawin iyan Kuya Coleman. Kapatid ko po siya. Maawa po kayo—"
Dito na sumigaw si Coleman ng, “Huwag mo akong pakialaman hayop ka! At huwag na huwag ka ring umarte na para bang kamaganakan kita. Sino ang tinawag mong kuya ha?”
“Opo, opo…”
Hindi na nagawa pang sumagot ni Ronny matapos siyang sermonan ni Coleman. Paulit ulit itong yumuko habang sinasabi na. “Kasalanan ko ang lahat