Agad namang tumigas ang tono ng boses ni Zephyr nang makita niya ang pagdadalawang isip sa muha ni Zack. Nagpakita ng inis ang tono ng kaniyang boses habang nagtatanong ng, “Mayroon bang problema? Ayaw mo ba silang ibigay sa amin, Kamahalan?”
Maamo namang ngumiti si Zack habang ibinubuka nito ang kaniyang bibig. “Kung nakikita mo, masyado nang malaki ang perwisyong ibinigay ni Chester at ng kaniyang mga tauhan sa Royal City. Nagawa pa nga ng isa sa mga ito na magkunwaring Empress—na isang malak