“Sabagay, hinanap mo talaga ako para gawin ang bagay na ito. Kaya kung titingnan, ako ang nagligtas sa iyo, pero gusto mo pa rin akong patayin. Sa ganitong paraan mo ba talaga gustong tumanaw ng utang na loob?”
‘Buwisit. Wala nang saysay ang lahat ngayong kilala na niya ako.’
Tiningnan ni Darryl si Empress Heidi mula ulo hanggang paa habang inaamin sa kaniyang sarili na maganda nga ang pangangatawan nito. Inaamin niya rin sa kaniyang sarili na nagenjoy siya kanina habang inaalala ang nangyari