Sa loob ng mansyon na pagmamayari ng mga Carter sa Mid City, kasalukuyang naghuhum si Darryl ng isang kanta. Pumuna siya sa sala matapos siyang tawagin ni Zoran at nagmamadaling papuntahin doon.
Nang makarating siya rito, nakita niyang nakikipagtawanan si Zoran sa isang napakagandang babae. Isa itong napakaselang babae! Nakasuot ito ng mahaba at kulay dilaw na dress na nakapagpasosyal sa kaniyang itsura. Pero kung tama ang hula ni Darryl, siguradong ito na ang asawa ni Zoran na si Susan Creek!