Arogante namang tumawa si Antigonus nang makita niya ang reaksyon ni Logan.
Phew!
Dito na nahimasmasan si Logan kaya naisipan na nitong umalis para makipagkita at ireport ang sitwasyon kay Ileana.
“Bakit ngayon pa?”
Kalmadong tanong ni Antigonus, “Irereport mo ba ang nangyari sa King of the Dead?”
Dito na tumigil sa paglalakad si Logan, agad niyang pinigilan ang kaniyang takot habang sinasabi na, “Tama, kinakailangan kong ireport ang ganitong mga bagay sa hari para sundin ang kaniyang utos.