Si Forsythe ang pinakanagpanic sa kanilang lahat.
Bilang isang pirata na matagal nang naglalayag sa karagatan, naging pamilyar na siya sa pamamaraan ng Ice Fire Island. Masasabi na mayroong isang ultimate skill ang pamilya Scope na kung saan nagagawa nitong maglabas ng isang phoenix na may kakayahang sumunog sa mga kalaban nito hanggang sa kanilang kamatayan kahit na gaano pa sila kalakas.
Inakala niya na imposible para sa isang maliit na batang kagaya ni Stella na magkaroon ng ganito kalakas