Sa kabilang banda, natuwa naman nang husto si Sara! Niyakap niya ang braso ni Darryl habang pinupuri ito, “Napakagaling mo talaga! Sino ba ang magaakalang napakahusay mo pala sa paggawa ng mga elixir? Turuan mo naman ako sa susunod!”
Ngumiti naman sa kaniya si Darryl at tumatangong sinabi na. “Sige, sige! Tuturuan kita pero huwag mo naman akong alugin nang husto. Hindi na ito kaya ng katawan ko.”
Tumawa naman dito si Sara. Namula ito habang pinapakawalan si Darryl matapos makita ang paglapit n