’Huh?’ Noong una’y napaatras si Jotun sa aura ni Morticia, pero tumawa at nagsalita ito. “Sinong makakahulang mainitin ang ulo ng isang mukhang malambing na babae? Mukhang nagmula ka sa mundo ng mga cultivator. Halika, ipakita mo sa’kin ang kakayahan mo!”
Kaagad lumipad sa ere ang lalake!
Voom!
Pagtapos ay sumabog ang alon ng internal na enerhiya mula sa katawan ni Jotun. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at sumugod kay Morticia. Umikot ang hanging dinaanan niya. Nakakatakot iyon.
“Tina