Hay nako. Dapat muna niyang pakawalan ang acupoint bago unahin ang ibang bagay.
Nagbuntong-hininga si Morticia bago niya tinuon ang kaniyang atensyon sa batong piitan.
Ang tanging nakita niya ay dating natural na batong kuweba ang piitan. Mayroon malaking butas sa kabilang dulo ng piitan, naka paikot ito pababa diretso sa karagatan na parang isang lagusan.
Perpekto!
Naramdaman ni Morticia ang kinang ng pagiging positibo pagtapos niyang matuklasan ang lagusan nang muli siyang huminto saglit.