Kasabay nito ang pagsugod ng tatlo pang magkakapatid na Scope gamit ang kanikanilang mga lakas.
“Buwisit, mukhang mahusay nga ang isang ito!”
“Hayaan mo akong lumaban sa kaniya.”
“Hindi mo ito kaya. Hayaan mong ako na ang gumawa nito.”
Habang nasa gitna ng kanilang mga sigawan, gumalaw na parang kidlat ang apat na magkakapatid para mapaligiran ang nagiisang si Yarl.
“Oh, isang group attack?”
Nagpakita ng pagkaarogante si Yarl nang makita niya ang pagpaligid sa kaniya ng apat na magkakapati