At sa huli ay nagpakita si Yarl ng wala sa sariling itsura sa kaniyang mukha.
Wala na talaga sa sarili ang lunatikong ito!
Nanginig nang husto sa sobra niyang galit si Morticia nang marinig niya ang mga sinabi ni Yarl. “Pinatay mo si Sir Cranos pero nagawa mo pa ring makakuha ng kapal ng mukha para sabihin ito nang buong pagmamalaki? Paano nagawa ng mga hayop na katulad mong mapabilang sa lahi ng mga fiend?
“Tama nga si Sir Cranos. Isa kang traydor at wala ka na rin sa iyong sarili.”
Isang mabait na lalaki si Cranos para lang patayin ng walang kuwenta niyang pamangkin. Isa itong nakapanlulumong trahedya.
Ngumiti lang si Yarl habang sumasagot ito ng, “Isipin mo na ang lahat ng gusto mong isipin. Ginagawa ko lang ito para kinabukasan ng pamilya Blanc at ng lahi nating mga fiend.”
“Malaki na rin ang naging ambag naming mga Blanc sa lahi ng mga fiend. Nagawang isugal ni Skylar ang kaniyang buhay para pumasok sa Ghost World at iligtas si Archfiend Antigonus. Kaya hindi pa rin sasapat