”Naku po! Mukhang may nangyaring masama kay Prinsipe Aurin.”
“E kasi naman, gusto niyang magpasikat. Naging sobrang bangis ni Shakun; paano niya ito mapapaamo?”
“Kung gusto mong manisi, kasalanan ito ng walang kwenta niyang master. Nagpumilit siyang makipagpustahan sa Wiz Immortal. Siya ang dapat sisihin."
Walang tigil ang narinig nilang komento mula sa masa. Mukhang mayabang at natuwa sina Prinsipe Auten at Wiz Immortal. Puno rin ng kayabangan at kasamaan ang kanilang mga mata.
Hindi naman