Tumungo si Darryl at hinalikan ang noo ni Yvette.
“Wag kang mag alala, hindi na kita hahayaang pagdaanan yun ulit.” Pangako niya.
Sa sobrang pagka pokus niya kay Yvette, nakalimutan niyang may iba pa silang mga kasama kaya bigla itong kumawala sa pagkakayap sakanya, “Ano ka ba, ang daming nakikinig sa atin.”
Para kay Yvette, balewala ang mga pinagdaanan niya dahil ang mahalaga para sakanya ay ang bumalik ng ligtas si Darryl.
Hindi napigilang matawa nina Chester, Dax at ng iba pa habang pi