Nanginginig sa sobrang galit si Morticia.
‘Bobo! Napaka bobo!’
‘Bilang isa sa labindalawang Fiend Martyr, alam niya ba kung gaano ako kataas? Tapos gusto niyang tawagin ko siyang gwapo?’
‘Nakakahiya!’
Habang mas iniisip ni Morticia ang sinabi ni Darryl, mas nagagalit siya. “Hindi ka ba natatakot mamatay?!”
“Okay lang naman kung ayaw mong gawin.” Natatawang sagot ni Darryl. “Tatawagin mo lang akong gwapo, nanagalit ka pa?
“Kung ayaw, maghanap ka nalang ng iba mong mapagtataguan at wag m