Nagdilim ang itsura ni Prince Auten habang namumuo ang galit sa kaniyang dibdib.
‘Buwisit, iniisip ba ng mga opisyal na ito na mas mahusay si Aurin kaysa sa akin?’
“Huwag kang magalala!”
Nang mapansin ni Master Magaera ang itsura ni Auten, agad itong bumulong ng, “Ako na ang bahala rito.”
Dito na umabante si Master Magaera habang naglalabas ng lakas at awtoridad ang kaniyang katawan. “Ano ang binubulong bulong ninyo? Mayroon ba sa inyo ang may gustong tumutol? Kung wala ay tapos na ang usapi