Napahinga naman nang malalim si Yooda habang nagiging seryoso ang kaniyang itsura. Taman ga ang sinabi ng kaniyang kamahalan. Nakasalalay sa labang ito ang dignidad at karangalan ng mga fiend. Kaya hindi dapat sila umatras kahit na mamatay pa sila sa labang ito.
Nagulat din maging si Darryl nang makita niya ang sitwasyon sa ibaba habang nakikipaglaban siya kay Archfiend Antigonus. Ipinakita ng kaniyang mukha ang bahagya niyang pagkadala sa pangayaring iyon. Kahit na masyadong masama at walang a