Sa kanyang kasabikan, nagmadali si Sergio patungo sa palasyo nang walang pag-aalinlangan. Nang nakarating siya, nadiskubre niya na may grupo na ng mga tao sa registration are sa labas lang ng bungad ng palasyo. Pagkatapos mag-sign up, nanatili siya buong gabi sa isa sa mga inn malapit sa palasyo.
Kinaumagahan, bumangon si Sergio at nagmadali direkta sa Prayer Hall, ang lugar na ginamit ng South Cloud Royals para sambahin ang mga kalangitan. Malaki ang lugar at tinalaga ito ni Morticia na maging