Nang marinig yun ni Diego, malungkot siyang napangiti nalang at hindi na siya sumagot.
Habang si Cumulonimbus naman ay medyo nahimasmasan na matapos marinig ang buong nangyari. Napabuntong hininga din siya at malungkot na sumagot, “Hindi ko inakala na kayang gawin yun ng ganun kahinhin at kagandang babae.”
Nanghihinayang na umiling si Cumulonimbus.
“Tama” Sagot ni Sienna. “Mukha lang talaga siyang inosente, pero wala siyang prinsipyo! Sa tingin ko nga, mas napaganda pa para sa sect ang pag