Nawawala ka?
Dito na napatingin ang dalawang bantay sa isa’t isa habang gulat na nakatayo sa kanilang mga puwesto.
Gaano nga ba kamangmang ang tagapaglingkod na ito para mawala habang papunta kay Empress Heidi para maghatid ng mga spirit fruits dito?
Agad na tumuro ang isa sa mga bantay sa direksyon papunta sa kuwarto ni Empress Heidi habang sinasabi na, “Ito ang kuwarto ng kamahalan. Maglakad ka lang nang diretso hanggang sa makita mo ito. Naririto ka ngayon sa Jade Spiritual Realm kung saan