Habang nagsasalita, agad na lumapit si Diego kay Olive habang hawak hawak ang kaniyang espada.
“Takbo!”
Hindi na naiwasan pa ni Khloris na ipadyak ang kaniyang mga paa sa sobrang tindi ng frustration na kaniyang nararamdaman habang umiiyak na sumisigaw kay Olive ng, “Tumakbo ka na Olive, pakiusap! Gusto mo rin bang mamatay sa lugar na ito?
“Huwag na huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko sa iyo ha? Magsumikap ka para palakasin ang iyong sarili sa sandaling makaalis ka sa bundok na ito, at ipaghiganti mo ako sa hinaharap.”
Agad na bumuhos ang luha sa mukha ni Khloris habang isinisigaw nito ang huling salita sa kaniyang bibig.
Napakagat naman si Olive sa kaniyang labi habang nakikinig sa pagiyak ni Khloris, dito na nanginig nang husto ang kaniyang dibdib.
Ano ang gagawin niya?
Wala siyang panama kay Diego. Kaya kamatayan lang ang kahahantungan niya sa sandaling magpatuloy siya sa pakikipaglaban dito.
Tama nga ang sinabi ng kaniyang master. Hindi na niya kailangan pang manatili