Pagkatapos ng masayang boses, naaninag naman ni Darryl ang isang magandang babae.
Si Lily!
Nang makita niyang namamaga ang mga mata nito kakaiyak, hindi niya mapigilang matawa. "Anong nangyari sayo, Lilybud? Bakit namumugto yang mga mata mo?"
Hinawakan ni Lily ng mahigpit ang kamay ni Darryl, at muli, hindi niya nanaman napigilang umiyak sa sobrang saya. "Asawa ko.... salamat naman at gising ka na.... Akala ko talaga nawala ka na sa akin..."
Mula noong nangyari ang insidente, hindi na na