Nakita niya naman sa kabilang banda ang paralisadong si Khloris sa loob ng kuwarto. Tila nasimot na ang dugo at lakas sa namumutla nitong mukha at katawan.
Ano ang nangyari?
Nagising na si Olive sa katotohanan habang tinatawag nito si Khloris. “Okay lang po ba kayo, Master? Sino po ang nanakit sa inyo?” Tanong nito habang papasugod sa loob ng kuwarto.
Ngumiti naman ang nanghihinang si Khloris matapos nitong hindi makasagot sa sobrang panghihina.
“Sandali!”
Dito na biglang nagpakita si Jedid