“Itigil mo na ang mga kalokohan mo! Kahit na ano pa ang sabihin mo, wala pa ring malay hanggang ngayon si Diego. Paano ko magagawang manatili sa Sword Sect kung palalampasin ko ito?” Tuluyan nang naubos ang pasensya ni Sienna kaya hindi na nito pinansin pa si Olive.
Dito na kumislap ang mga mata ni Sienna na napuno ng inis at pagkaarogante. “Olive, narinig ko na tinuruan ka raw ni Deputy Sect Master ng bagong sword technique nitong nakaraan. Bakit hindi na lang tayo magtagisan ng galing gamit a