Agad namang nakahinga nang maluwag ang lahat sa kanilang narinig kabilang na sina Khloris, Jedidiah at ang mga elder ng Sword Sect.
Inakala nilang magkakagulo nanaman sa Nine Mainland pagkatapos magdeklara ng digmaan ni Lord Kenny Bred. Pero ngayong patay na ito, agad nang nawala ang nakaambang panganib sa Nine Mainlands kaya hindi na nila kailangan pang alalahanin ang tensyong kumalat sa Great East.
Dito na nagpakita ng ngiti sa arogante niyang mukha si Khloris habang binabati si Olive. “Oh,