“Gusto mo na ba talagang mamatay?”
Hindi na napigilan pa ni Skylar ang kanyiang galit nang makita niyang papalapit ang atake ni Kendall. Dito na niya sinubukang umatake pero hindi na niya ito nagawa sa tamang oras dahil hawak hawak pa rin niya hanggang ngayon ang batok ng batang babae na kaniyang hinabol.
Agad na tumama ang atake ni Kendall sa katawan in Skylar at sa loob ng isang mababang ingay ay agad na napaliyad ang katawan nito habang napapaatras ng ilang hakbang.
Kasabay nito ang pagtalsik ng batang babae bago tumama sa isang poste, agad itong nalagutan ng hininga nang dahil sa tindi ng impact na tumama sa munti nitong katawan.
Hinding hindi magagawa ni Kendall na saktan ni Skylar kung nangyari lang ito noon. Pero nagawa na niya ngayong pagsamahin ang lakas mula sa sinaunang nakalalasong alupihan at ang sarili niyang internal energy kaya agad siyang lumakas nang husto. Nalason din si Skylar kaya agad na kumalat ang enerhiya mual sa fiend soul nito na nagresulta sa panghihina