Alam ng White Tiger King na kasalanan iyon ni Mona. Walang kasalanan ang Black Tortoise King kahit na pinagbuhatan niya ng kamay ang babae.
Pero anak niya si Mona. Walang sinumang ama ang kakayaning panoorin ang pangyayari nang walang ginagawa.
Nagbanggaan ang mga kamao ng White Tiger King at Black Tortoise King at may narinig na ingay. Kumunot ang kanilang noo at pareho silang napaatras dahil sa puwersa.
Malinaw na walang tiyak na nanalo sa banggaan.
Umusbong ang galit sa puso ng Black Tortoise King. Anong kapal ng mukha ng White Tiger King para protektahan ang kaniyang anak pagtapos ng ginawa nito?
Sa parehong sandali ay nagulat din siya.
Labis na tumaas ang lakas ng White Tiger King magmula noong nakawala siya.
Malinaw na naramdaman ng Black Tortoise King na hindi ginamit ng White Tiger King ang kaniyang buong lakas para salubungin ang atake, pero marami siyang nagamit na lakas.
Pantay lamang ang naging resulta ng sitwasyon.
Paniguradong malulumpo siya ng White Tiger King k