Gumuho ang sikretong silid nang mas lumakas ang enerhiya at bumaril sa langit ang matinding pulang ilaw at nagliwanag ang mundo dahil dito.
Sa parehong sandali ay malakas na yumanig ang mundo at nabalot sa madilim na ulap ang langit. Nang sandaling iyon ay lumabas sina Skylar at ang mga alagad ng Five Poison Sect para tingnan ang pangyayari. Nakita nila ang nakalutang na Archfiend Antigonus sa gitna ng ere at nagliwanag ang ilaw ng kulay dugo na kidlat sa tuktok ng kaniyang ulo. Naglabas ng mas