Nakaramdam ng awkwardness dito si General Grunt habang tumatangong sumasagot ng, “Uh… Sige.”
“Saan ka nga pala nagpunta?” Nagtatakang itinanong ni Prinsesa Dorothy.
Nagisip naman si General Grunt nang isang sandali para makagawa ng dahilan sa prinsesa. “Nagtanong tanong lang ako sa paligid kung may lugar bang malapit dito na may magandang kapaligiran na maari nating puntahan.”
Dito na nakangiting nagtanong ang prinsesa ng, “Napakasweet mo naman. Nakahanap ka na ba ng lugar na maaari nating ma