Nasabi ni Pearl na ang rason ng kanilang pagkansela ay dahil sa pagtanggi ng ETM na magbigay ng autograph sa presidente ng Platinum Corporation.
Naguluhan dito si Vivian, tumingin siya kay Darryl habang sinasabi sa phone na, “Wala akong nabastos na kahit sino, President Lee! Mayroon lang isang lalaking gumagawa ng gulo rito, hindi lang niya nasira ang barrier, nagawa niya ring manghingi ng autograph habang nasa loob ng restricted area…”
“Humingi ka ng tawad sa kaniya ngayundin hayop ka! Dalian