“Ina, alam kong mahal na mahal moa ko at alam ko rin na galit sa akin si Ama ngayon. Kaya nakikiusap po sana ako na kung maaari ay matulungan niyo akong makuha ang basbas niya?” Seryosong itinanong ni Prinsesa Dorothy.
Nagkaroon naman ng magkakahalong pakiramdam si Empress Heidi rito, kaya hindi na niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Totoo ngang mahal na mahal niya si Prinsesa Dorothy pero totoo rin na malaki masyado ang gulo na ginawa na kaniyang anak. Pero narating na rin nito ang edad