Nakabibingi ang ginawang sampal ni Katherine sa tahimik na paligid. Naramdaman ni Darryl ang paginit ng sinampal niyang pisngi.
Mahina naman siyang inasar ng ilang mga estudyante sa kaniyang paligid. Natutuwa ang mga ito na makita siyang pinaparusahan.
Ilang metro lang ang layo ni Darryl kay Katherine—kaya nagawa niyang maamoy ang ginamit nitong perfume. Hindi niya maitanggi sa kaniyang sarili na mayroong magandang katawan si Katherine.
Pero ito na ang pangalawang beses na sinampal siya nito!