Nang sumunod na segundo ay lumipad ang hawak niyang espada at dumiratso sa direksyon ni Skylar. Labis na bumaba ang temperatura sa lahat ng nadaanan nito. Subalit nanatiling kalmado si Skylar. Itinaas niya ang kaniyang kamay at kaswal na gumawa ng hindi nakikitang harang sa kaniyang harapan.
Malakas na bumangga ang espada, kaagad nitong nawasak ang harang at napaatras ng ilang hakbang si Skylar. Sa parehong sandali ay napalipad din si Ileana nang ilang metrong layo. Halata naman na walang malin