“Sabihin mo nga sa akin kung ano ang magagawa mo?” Malademonyong tumingin si Samantha kay Darryl.
Hindi na nakipagtalo pa si Darryl kay Samantha. Sinabi nito kay Lily na, “Ok lang. Hayaan mo na ang mama mo kung gusto niyang maniwala sa ex-boyfriend mo.”
“Anong ex-boyfriend?!” Agad na nainis si Lily nang marinig niya ito, “Walang kahit na anong namagitan sa aming dalawa ni Ray, Hubby. Niligawan niya ako pero hindi naging kami!”
Hindi rito natuwa si Darryl. Gusto niyang makita kung gaano nga ba