”Alam mo ba kung anong ginawa ng ating ninuno?” Tanong ni Cranos.
“Bakit mo natanong, ama? Magmula noong bata ako ay palagi mo nang sinasabing isang walang takot na cultivator ang ating ninuno. Di katagalan ay pinwersa siyang mamuhay sa malayo sa Cloud Valley dahil sa hindi pagkakaunawaan sa mundo ng mga cultivator. Lahat ng iyon ay naitala sa libro ng kasaysayan ng ating pamilya na ipinasa sa ilang henerasyon—”
Umiling at nagsalita si Cranos. “Hindi totoo ang lahat ng iyon.”
‘Ano? Hindi toto