Bahagyang ngumiti rito ang hindi nagsasalitang si Empress Nuwa habang nakakunot naman ang mga noo ni Ancient Ancestor.
“Maipapaliwanag ko po ang lahat ng iyo, Ancient Ancestor, Empress Nuwa. Noong una po, dahil sa kapabayaan ng Godly Region ay nagawang wasakin ng King of the Dead mula sa Ghost World ang mahiwagang barrier na naghihiwalay sa Nine mainland…”
Sa loob ng kalahating oras ay nagawang ikwento sa dalawa ni Darryl ang lahat ng mga nangyari.
“Kinalaunan ay nahanap ko po ang lugar kung