Alas kwatro na ng madaling araw nang magsimulang umambon sa labas ng mansyon na pagaari ng mga Sanders, dito na muling nakatulog nang malalim si Darryl. Pero sa pagkakataong ito ay paulit ulit siyang nanaginip hanggang sa may maramdaman siyang sumisipa sa kaniyang binti.
Dito na siya biglang nagising, agad niyang nakita ang nakangiting si Dax na nakatayo sa pinto habang nakatingin pababa sa kaniya.
“Darryl? Pinatatawa mo ba ako matapos mong magbantay sa akin na parang guwardiya? Haha!” Tawa n