Agad siyang natigilan sa eksena na kaniyang natunghayan nang makapasok siya sa formation, dito na siya huminga nang malalim habang sinasabi na, “Buwisit, mukhang ito nga ang makasaysayang Heaven Annihilation Formation.”
Iilan lang ang nakatalang impormasyion tungkol sa Heaven Annihilation Formation sa Bai Qi Formation Manual. Masasabi na isa raw ito sa pinakamalakas na formation mula noong mabuo ang mundo. Walang tigil itong nagbabago at mayroon din itong kakayahan na kumuha ng spiritual energy