Naisip ni Darryl kung tauhan ang mga ito ni Grunt na nagpunta para dakipin siya. Tatakbo na sana siya pabalik sa kaniyang kuwarto para magtago sa mga ito pero huli na ang lahat. Mabilis na lumapag ang tatlo sa loob ng maliit na bakuran sa loob ng isang iglap habang nakatitig ang kanilang mga mata kay Darryl. Lalo na ang babae na nagtatakang tumingin kay Darryl mula ulo hanggang paa.
At pagkatapos ay biglang lumingon ang babae sa matandang lalaki bago sabihing, “Hindi ba’t mag isa lang na nakati