Biglang nagpakita ang isang imaheng dumaan sa harapan ng 12 paladins habang namumutla si Golden Lion Paladin at ang kaniyang mga kasama. Agad na nakahinga nang maluwag ang mga ito habang nagtitipon tipon sa paligid ni Pegasus Paladin para tanungin ito nang walang tigil.
“Pegasus Paladin!”
“Nakabalik ka na rin sa wakas!”
“Bakit ba natagalan kang bumalik?”
Huminga nang malalim si Pegasus paladin habang nakangiting sumasagot ng, “Kinakailangan ninyong maghanda. Mayroon akong magandang balita pa