Dahan dahan namang umakyat si Yuri sa mataas na platform habang sinasamahan ng ilang mga sundalo. Kinaladkad niya ang mga bakal na kadena sa lupa na gumawa ng ingay sa kaniyang paggalaw.
Mukhang walang pakialam at hindi nagaalala nang kahit na kaunti si Yuri nang mahuli siya ng mga ito. Bilang isang diwatang ipinanganak sa Illusion Virtual World, hindi lang naging busilak ang kaniyang puso dahil nagkaroon din siya ng matibay na pagkatao. Pero hindi rin siya natatakot sa kahit na anong uri ng pa