”Hindi na kailangan.” Mabilis tumanggi si Darryl nang hindi nag-iisip.
‘Ang pinaka-importante ay ang mahanap ko si Yuri. Hindi ko maaaring hayaang sundan ako ng Paladins habang naghahanap ako.’ Naisip niya.
Hindi na nagpumilit pa si Yalena, nakangiti itong nagsalita. “Sige. Lumalalim na ang gabi, magpahinga na po kayo, Ginoo!”
Maamo ang tingin sa mukha ni yalena. Ibang-iba ang kaniyang karakter sa mayabang niyang pag-uugali sa templo.
Tumango si Darryl at nagpaalam kay Yalena nang bumalik si