“Turuan mo na siya ng leksyon nang makita natin kung gaano ito katigas.”
Narinig naman ni Seth ang sigaw ng mga tao sa paligid kaya agad niyang ikinaway ang kaniyang kamay nang walang pagaalinlangan. “Halikayo’t suntukin ito hanggang sa umamin siya sa kaniyang mga kasalanan.”
Pagkatapos nito ay naglakad paabante ang personal na bantay ni Seth habang hawak ang isang malambot na latigo sa kaniyang kamay. Gawa sa bakal na wire at matalim na buto ng baka ang latigong ito na nagpatibay dito nang hu