Pagtapos ng ilang sandali ay bumalik sa wisyo si Darryl. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kaniyang sarili; hindi niya mapigilan ang kaniyang pagkasabik!
Napagdesisyunan niyang bibilhin niya nalang ang jade kapag walang nag-bid dito.
Sa entablado ng auction…
Narinig ng lalaking nagbabantay sa auction ang mga pag-uusap ng masa at nakangiti itong nagpaliwanag.
Tumingin sa paligid ang lalaki. “Nasa isang libong gintong barya ang paunang presyo ng piraso ng jade na ito. Simulan na nati