Agad namang ibinahagi ni Grady ang buong pangyayari kay Maverick!
“Ano?”
Nagalit nang husto si Maverick nang malaman niya kung ano ang nangyari. Dito na siya napasuntok sa lamesa habang sinasabi na, “Nagawa ng isang nakikitirang manugang na bastusin si Master Grady? Siguradong gusto na nitong mamatay. Pero paano nagawang makilala ng isang katulad niya ang isang kilalang tao na kagaya ni Mr. Cunning?”
Suminghal naman si Grady habang nanggigil na sinasabing, “Hindi niya ito kilala. Napagkamalan