At pagkatapos ay agad na itong sumakay sa isang karwaheng hinihila ng mga unicorn di kalayuan mula sa kaniyang kinatatayuan.
Tumuro naman si Lolita sa mga tagapaglingkod sa kaniyang paligid habang sinasabi na, “Umuwi na kayo at sabihin kay Lolo ang tungkol sa nangyari. Sabihin ninyong babalik din ako pagkatapos kong umattend ng banquet.”
“Opo, miss!” Sagot ng mga tagapaglingkod bago ito tumalikod a tumalis.
Samantala, naglalakad naman si Darryl mula sa malayo. Nagmadali itong umalis pagkatapo