Nang sandaling iyon,nakaupo ang Prinsipe sa hall, madilim at bagsak ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Namatay si Walker, kaya naman nawala ang pangunahing nagsusuporta sa kaniya. Paanong hindi siya magagalit?
Sa puntong iyon, dali-daling lumapit sa hall si Roston at magalang na kinausap ang Prinsipe. “Iyong Kamahalan!”
“Nagawa niyo bang mahuli si Darryl?” Tanong ng Prinsipe nang makita niya ang pagbalik ni Roston.
“Tinulak ko si Darryl sa mataas at delikadong bangin. Madudurog ang sinumang bu